nasaan si jerick

Sunday, October 28, 2007

pagkatapos ng dilim.......may liwanag...


You do not study Political Science by choice. You have to be made of something tough just to survive in it. Jerick is one of the privileged few who enjoy the distinction of depth and intelligence attributable to the study of Political Science. He fears no restrictions in the articulation of his ideas where it is due. Sporadic outbursts are observable but such are moments of awe as passion envelops every word that comes out of his mouth. Do not be deceived though. Behind that stalwart facade resides a man whose enthusiasm curbs to a bow the likes of Steve Irwin and Dora the Explorer. His appetite for gratification (be it intellectual, emotional, culinary, sexual, etc.) is the driving force behind our Harry Potter in his quest for victory against the "Lord Voldemorts of UP Manila. Matapang, Matalino, Walang takot kahit kanino, kahit kay Sioco- yan si Jerick.
ang mga ito, ang larawan at ang lathalain ay pawang walang pahintulot na kinuha mula kay migol.

Labels:

Monday, August 27, 2007

sinisilo natin ang mga tala at iginuguhit ang ating mga pangarap


Sa aking pag-iisa, nang hindi ako makatulog noong isang malamig na Sabado ng gabi, naisip kita:

Jek
Waring naaalala mo lamang ang lahat nang minsang nabanggit mong sabay tayong naglalakad pauwi galing sa paaralan noong nasa ikalawang baitang tayo. Ngunit hindi mo naman pala alam na noong kamag-aral kita noon, napahiya ako nang sabay tayong aawit ng Lupang Hinirang, at nagsimula ka sa “Land of the morning.” Hanggang sa matapos natin ang mataas na paaralan, tumatak na sa akin ang iyong kadaldalan.

Lumalabas na pinakamalaki kong kasalanan sa iyo ang pilitin kang kumuha ng UPCAT, na tinawag mo lamang namang puno’t dulo ng lahat ng kasalukuyan mong paghihirap. Hindi maabot ng pang-unawa kung paano mo nasabi ito; dahil sa yabang mong iyan, may hindi ka ga naman kakayanin? Kung sa bagay, kahit naiinggit ako dahil nakakatugtog ka sa piano nang walang piyesa, hindi mo naman minsan mabasa ang sarili mong sulat-kamay.

Sa dami na ng ating napagpulungan, hindi pa rin nauubos ang aking tanong: Paano mo gagawin ang sinabi mong “mamamalakaya ako upang makabihag ng tulog para ipasalubong?” Hindi ka ga nainis noong isang gabi, na habang nagbabasa ka ng hindi kagandahang libro ay pinulong kita at umabot tayo sa pagsilip ng araw?

Jam
Nagpapanggap kang kaklase namin noong mababang paaralan; ang totoo, noong unang taon sa mataas na paaralan lamang kita nakilala. Naging “computer lizard” ka o tagadisenyo ng pahina ng pahayagang pang-mag-aaral na sinalihan ko rin. Ilang karibok ng tuktok din ang nilabanan natin at napagwagian.

Noon, nararamdaman kong nababanas ka na sa mga usapan sa bahay, dahil mas gamay mo ang mga piattos (chemical bonds). Napakamadasalin din ng iyong pamilya, kaya nagulat ka siguro nang maging tampulan ng biro ang parating/nagdaan mong ika-21 kaarawan, na tatlo lamang naman ang Mahal na Poon sa bahay ninyo, galing pa sa magkakaibang parokya. Nakakatuwa, nakakalungkot, na marami nang nagbago sa iyo, na pawang hindi ko maisasaysay dahil baka makarating sa mga hindi dapat makaalam, sa pagdaan sa mga kakilala ng kakilala.

Kung hindi ka bagong gising, kausapin mo na kaya ako? Naisip mo na ga ang ultimate ganda story mo na tatalo sa lahat ng iba pa? Kung matuto na akong magplantsa ng puting uniporme, makakapag-asawa na ako? Kapag tinanong ka ng nanay mo kung bakit pink ang iyong bag, ano kaya ang sasabihin mo? Keribels?

Joy
Hanggang magkasama na tayo mula noong isang taon, nababahala akong hindi mo masakyan ang pagkabata ko, namin, dahil mas matanda ka… ng isang taon. Ngunit sa ngayon, sabi nga, itinatanong pa ga iyon? Umuwi ka nga minsan nang may dalang laruang kotse na may remote control.

Nagkakahalubilo lamang tayo noong nasa sekundarya pa ako kapag may mga pulong ang mga katekista, o ang science o English club. (Hanggang ngayon pala, hindi ko pa alam ang reaksyon mo nang biglang sumingit ang partido namin sa inyong kampanya para sa konseho ng mag-aaral.) Tapos hindi man tayo nag-usap, naging magkamag-aaral tayo sa SocSci 2, at doon ko muling nakita ang walang-kupas at mala-font mong sulat-kamay. Pagkakalabas mo ngayon sa trabahong “nakakainip,” lilipad ka para tumulong sa isang samahang nagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan.

Nitong huling mga araw, hindi na kita gaanong nakakasamang kumain sa kung saan-saan. Kaya naman naiipon ang mga ito: Sino ang mas mahal mo, ang mga nagpapatulog o hindi nagpapatulog sa iyo? Saan mo nakita ang four seasons na juice? Bakit ka matuwain sa mga bata?

Tayo
Iba ang ikot ng araw sa ilalim ng ating bubungan dahil nagagawa nating pagulungin ang panahon ayon sa ating kapasyahan. Hindi natin miminsan nasabing natatangi ang ating bahay-bahayan.

Sa ating mga paliwanagan, nagiging pisara ang mga dingding. Inaagaw natin ang bawat eksena sa mga teleserye, sa pagbaybay natin sa kanilang kapintasan. Malaya nating napag-uusapan anumang bagay sa kalawakan, mula sa mga bata at nagbabata-bataan nating mga kapatid, hanggang sa mga prinsipyong pinipilit nating panindigan.

At sa gitna ng ating mga hagalpakan at pulong na walang kasaysayan, sinisilo natin ang mga tala at iginuguhit ang ating mga pangarap.

Ayaw kong isipin kung kailan ninyo ako iiwan, o kung mangyayaring iiwan ko kayo. Sa isang bagay lamang ako nakatitiyak sa ngayon: sabi ko nga sa iyo, Jek, hindi lamang ikaw ang mababa ang mga luha.
-lala

Friday, August 10, 2007



tang ina...dahil sa trabaho napilitan akong magbagong anyo...balik sa pagiging tao...
masaya ba?
hindi...
kelan pa naging masaya ang maging isang clone?
kahapon?, kanina? o baka bukas?
may kaluluwa ba ang isang clone?
o may kabilang buhay ba?
sabi nga nila kung hindi ka na masaya sa buhay na ito,
bakit hindi subukan ang kabilang buhay?

Monday, July 16, 2007

alam ko huli na masyado ang pasasalamat na ito..wala kayong magagawa, ngayon lang nagkaroon ng oras...narito ang aking pasasalamat ayon sa pagkakasunod sunod ng mga pagbati sa akin para sa aking kaarawan...
nea, salamat sa pag aabala na i coerce ang mga tao na batiin ako..
sa inyong lahat ng nakaalala, maraming salamat...

Jul 14
saquilayan family
k.separa
migz del gallego
brian ballesteros
karen
harvey at migol

Jul 15
paolo catolico
nea reyes
sheena trongco
alex dimasacat
mia tolosa
jay medrano
kjoy arguelles
benj
kristel esteban
kats aguas
janin mendoza
erl lagunilla
carina
meme
kuya lhet
ja hernandez
nick roberto
rudnie manalo
bianca
mhare junasa
deo dave mangulabnan
febbie flores
melane manalo
troy ilagan
joemel maranan
marbi bien
justin agraviador
ma. gay macasaet
ian perez
sheila duana
rod bisarez

Jul 16...(mga humabol)
tsidatah castillo
happy
elbeth endaya

muli, maraming salamat...

Saturday, June 30, 2007


since nabanggit ko na rin na nais kong maglakbay sa kung saang saang lugar, naisipan kong halukayin ang aking baul ng kayamanan upang maghanap ng mga larawan...narito ang ilan sa kanila...kuha ang mga larawan ito sa ilocos norte/sur, mahigit isang taon na ang nakalipas...pasenxa, hindi pa ako nagbblogger nun...sa friendster pa...

vigan

vigan pa din
ang unang pamilya sa malacanang of the north
mom's courtyard



Monday, June 25, 2007

trip to baguio


haunted house daw...
sa harapan ng haunted house
camp john hay
foggy day

matagal ko nang pangarap ang makarating sa Baguio, at sa wakas, natupad na ito. oo, natupad na. nagsimula ang aming paglalakbay, biyernes, ika-22 ng Hunyo, kasama si nealyn, ang kuya nyang si redentor, ang kanyang addy at pamangkin na si aller. maigsi lamang ang aking pananatili sa baguio. hindi kami tumagal ng 24 na oras. pero ayos lang..libre naman..haha..salamat pala sa mga sponsors.

akala ko bibiguin na ko ng baguio nang magdadapit hapon na at hindi ko man lang naranasan ang maulap na kapaligiran, siguro naawa na lang talaga sa akin ang mga lamang lupa kaya naman ako ay kanila nang pinagbigyan.

pinuntahan ko/ namin ang mga lugar na madalas puntahan ng mga taong nagtutungo sa baguio...ilan sa mga ito ay ang mines view , burnham, the mansion, atbp...lubos ang aking kaligayhan ng bagtasin ko ang session road...medyo polluted na pero ok pa din..yun nga lang may sensasyon na tila nasa isang kang koreanovela dahil sa dami ng koreano/a na nasa paligid ng baguio. isa pa sa aking napuna ang sensasyong isang artipisyal na mundo ang baguio, tila isang museo na tinutungo ng tao upang magliwaliw, magbakasyon, mag-isip....magpahinga, kung ano man ang dahilan ng iba, bahala na sila..basta..mahirap ipaliwanag ang galak na dulot sa aking ng aking maiksing pananatili sa lungsod na ito.

hindi kalamigan sa lungsod kaya hindi ko nasuot masyado ang aking dalang pangginaw. sabi ng mga manong taxi driver, mga buwan ng nobyembre hanggang pebrero daw dapat pumunta doon upang maranasan ang lamig ng baguio. kaya naman babalik ako..baguio, maghintay ka lang...darating ako

Wednesday, June 06, 2007

it feels like home....
by Chantal Kreviazuk

Somethin' in your eyes, makes me wanna lose myself
Makes me wanna lose myself, in your arms
There's somethin' in your voice, makes my heart beat fast
Hope this feeling lasts, the rest of my life
If you knew how lonely my life has been
And how long I've been so alone
And if you knew how I wanted someone to come along
And change my life the way you've done
It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way back where I come from
It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way back where I belong
A window breaks, down a long, dark street
And a siren wails in the night
But I'm alright, 'cause I have you here with me
And I can almost see, through the dark there is light
Well, if you knew how much this moment means to me
And how long I've waited for your touch
And if you knew how happy you are making me
I never thought that I'd love anyone so much It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way the back where I come from
It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I'm all the way back where I belong
It feels like I'm all the way back where I belong