vigan
vigan pa din
ang unang pamilya sa malacanang of the north
mom's courtyard
vigan
vigan pa din
ang unang pamilya sa malacanang of the north
mom's courtyard
haunted house daw...
sa harapan ng haunted house
camp john hay
foggy daymatagal ko nang pangarap ang makarating sa Baguio, at sa wakas, natupad na ito. oo, natupad na. nagsimula ang aming paglalakbay, biyernes, ika-22 ng Hunyo, kasama si nealyn, ang kuya nyang si redentor, ang kanyang addy at pamangkin na si aller. maigsi lamang ang aking pananatili sa baguio. hindi kami tumagal ng 24 na oras. pero ayos lang..libre naman..haha..salamat pala sa mga sponsors.
akala ko bibiguin na ko ng baguio nang magdadapit hapon na at hindi ko man lang naranasan ang maulap na kapaligiran, siguro naawa na lang talaga sa akin ang mga lamang lupa kaya naman ako ay kanila nang pinagbigyan.
pinuntahan ko/ namin ang mga lugar na madalas puntahan ng mga taong nagtutungo sa baguio...ilan sa mga ito ay ang mines view , burnham, the mansion, atbp...lubos ang aking kaligayhan ng bagtasin ko ang session road...medyo polluted na pero ok pa din..yun nga lang may sensasyon na tila nasa isang kang koreanovela dahil sa dami ng koreano/a na nasa paligid ng baguio. isa pa sa aking napuna ang sensasyong isang artipisyal na mundo ang baguio, tila isang museo na tinutungo ng tao upang magliwaliw, magbakasyon, mag-isip....magpahinga, kung ano man ang dahilan ng iba, bahala na sila..basta..mahirap ipaliwanag ang galak na dulot sa aking ng aking maiksing pananatili sa lungsod na ito.
hindi kalamigan sa lungsod kaya hindi ko nasuot masyado ang aking dalang pangginaw. sabi ng mga manong taxi driver, mga buwan ng nobyembre hanggang pebrero daw dapat pumunta doon upang maranasan ang lamig ng baguio. kaya naman babalik ako..baguio, maghintay ka lang...darating ako
it feels like home....