nasaan si jerick
Saturday, April 28, 2007
Wednesday, April 11, 2007
narito at ating pagnilayan ang isang aral.kinuha mula sa blog ni neah na kinuha mula sa blog ni bianca...
words of wisdom from Ryan and Joaqui
ang north boy, kung gusto ka, liligawan ka.
ang south boy, hindi mo alam, nililigawan ka na pala.
ang north boy, crush siya ng barkada mo.
ang south boy, gustong makatambay ng barkada mo.
ang north boy, liligawan pati nanay mo.
ang south boy, babarkadahin ang nanay mo.
ang north boy, tahimik at polite kapag kasama ang pamilya mo.
ang south boy, makwento at masigla kapag kasama ang pamilya mo.
ang north boy, first date ninyo sa nakaka-impress na restaurant.
ang south boy, first date ninyo ay movie tapos coffee.
ang north boy, bongga magregalo.
ang south boy, simple pero meaningful ang ireregalo.
source:neahreyes.blogspot.com
Sunday, April 08, 2007
oo..isa nga akong self centered na tao...
iyan ang aking napagtanto habang nilalasap ko ang hindi kagandandahang karanasan ng kawalang ginagawa. ngunit hindi ko mag isang napag isipan ang bagay na iyan. sinabi yan sa aking ng isang kaibigan isang gabing lasing ang mga tao at hinihintay na dalawin ng antok. doon ko din nalaman ang ilang katotohanang itinago sa akin. masakit lalo na pag naiisip ko na nagmukha akong tanga. pero ganun ata talaga. iba iba ang tao at ang kanyang paraan ng pagharap sa katotohanan ng buhay.
inaamin ko na din na maingay akong tao. pero ganun talaga ako. lahat sinasabi, maganda, masama, mura, lahat, walang nakakaligtas. at dahil nga dun hindi ko napansin na may mga tao na palang hindi nasisiyahan sa aking ganitong gawi. kumbaga, alam ko naman na nakakasakit talaga ako pero hindi ko lang siguro inasahan ang ganung reaksyon mula sa ilang tao. syempre, kababawan ang kadaldalan bilang pangunahing dahilan. dito na papasok ang aking pagiging self centered na sinasalamin ng aking kadaldalan. hindi ako nagpapatalo lalo na kung "asaran mode" lang naman ang drama. siguro, isang kamalian ko din ang madalas na pauyam kong turing sa lahat ng bagay. marahil, bunga ito ng aking takot na maglabas ng emosyon. pero ang totoo, hindi din ako masyadong aware sa bagya na to. akala ko kasi, kasama na sa aking kadaldalan ang paglalabas ng nararapat na emosyon. mali pala ako.
pero tulad nga ng madalas kong sinasabi lalo na sa mga panahong nagsasalita ako, handa naman akong tumanggap kritisismo at kung ano ano pa ukol sa aking mga maling ginagawa at sinasabi. siguro nga hindi lahat ng tao ay katulad ko at hindi naman magiging maganda ang mundo kung lahat ay tulad ko. ang sa akin lang naman, sa aspetong yun, lalo na at ako at ang aking pagkatao na ang nakasalalay, mas nananaisin ko pa sigrong harap harapan akong balahurain. dahil sa mas nanaisin ko pang lasapin ang pait ng kamatayan kung ito ay darating ng harapan kaysa dumating ito sa akin ng hindi ko nalalaman.
p.s.
may nabasa ako dating isang mensahe sa text. tungkol ito sa turingan ng magkakaibigan...sabi dito, ang tunay at totoong kaibigan daw ay iyong hindi ka tinatawag sa totoo mong pangalan. kumbaga laging may imbentong pangalan para lang sa iyo. dagdag pa dito, ang tunay at totoong kaibigan daw ay iyong sasabihin ang lahat ng masama sa iyo ng harapan [at babatukan ka pa kung kailangan.]
sa mga maaaring masaktan sa post na ito, pakiusap, mangyaring ito ay inyong ipaalam. lubos akong maliligayahan dahil nakatagpo na naman ako ng kaibigan....
Saturday, April 07, 2007
Road Not Taken
Robert Frost
Two roads diverged in a yellow wood,
And sorry I could not travel both
And be one traveler, long I stood
And looked down one as far as I could
To where it bent in the undergrowth;
Then took the other, as just as fair
And having perhaps the better claim,
Because it was grassy and wanted wear;
Though as for that, the passing there
Had worn them really about the same,
And both that morning equally lay
In leaves no step had trodden black
Oh, I kept the first for another day!
Yet knowing how way leads on to way,
I doubted if I should ever come back.
I shall be telling this with a sigh
Somewhere ages and ages hence:
two roads diverged in a wood, and I --
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
dahil walang pera, at hindi naman ako kalakihan, thus, i reckon that the word cute still applies to me, pinatulan ko na ang kiddie pool. full suport naman si pepay at binigyan nya pa ko ng brazo de mercedes...ibang klase 'to..mas masarap to kesa sa nabibili sa goldilocks.un sa goldilocks kasi e asukal na nagpapanggap na braso de mercedes....kasama ko pala un pamangkin ko at un bro-in-law ko na mas mukhang kapatid ko kesa dun sa ate ko...hahahaha....sarap...Thursday, April 05, 2007
SEMI-CHARMED LIFE
I'm packed and I'm holding,I'm smiling, she's living, she's golden andshe lives for me, She says she lives for me,Ovation, She's got her own motivation, she comes round and she goes down on me, And I make her smile, It's like a drug for you, Do ever what you want to do, Coming over you,Keep on smiling, what we go through. One stop to the rhythm that divides you, And I speak to you like the chorus to the verse, Chop another line like a coda with a curse, And I come on like a freak show takes the stage. We give them the games we play, she said, I want something else, to get me through this,Semi-charmed kind of life, I want something else, I'm not listening when you say, Good-bye. The sky it was gold, it was rose, I was taking sips of it through my nose, And I wish I could get back there, Some place back there, Smiling in the pictures you would take, Doing crystal myth, Will lift you up until you break, It won't stop, I won't come down, I keep stock, With a tick tock rhythm and a bump for the drop, And then I bumped up. I took the hit I was given, Then I bumped again, And then I bumped again.How do I get back there to, The place where I fell asleep inside you? How do I get myself back to, The place where you said, I want something else to get me through this, semi-charmed kind of life, I want something else, I'm not listening when you say, good-bye, I believe in the sand beneath my toes, The beach gives a feeling, An earthy feeling, I believe in the faith that grows, And the four right chords can make me cry, When I'm with you I feel like I could die. And that would be all right, All right, When the plane came in, She said she was crashing, The velvet it rips, In the city we tripped, On the urge to feel alive, But now I'm struggling to survive, The days you were wearing, That velvet dress,You're the priestess, must confess, Those little red panties, They pass the test, Slide up around the belly, Face down on the mattress, One, Now you hold me, And we're broken. Still it's all that I want to do. Feel myself with a head made of the ground, I'm scared but I'm not coming down. And I won't run for my life, She's got her jaws just locked now in smile but nothing is all right, All right, I want something else, To get me through this, Semi-charmed kind of life, I want something else, I'm not listening when you say, good-bye.
after a month, finally nakauwi din ako sa batangas. ang totoo maraming time na umuwi after my thesis but i chose to stay and think, think and think---isa sa pinakaayaw kong gawin. isang kakatwang taktika upang maiwasan ko ang mag isip, nagiging madaldal ako. madaldal lang talaga yung tipong tuloy tuloy..minsan kasi nabanggit sa akin ng aking housemate na kapag ganun daw, ibig sabihin, hindi kailangan mag isip unless kasinungalingan lang ang lahat ng lumalabas sa bibig. naisip ko na totoo naman yun. dahil mahirap naman talaga ang magsinungaling. pero minsan, dahil nga mahirap syang gawin, iba ang pakiramdam kapag nagtagumpay ka sa pagsisinungaling.
enough of "pagsisinungaling"
nung byahe ko kanina, medyo madami nang pinagbago sa landas na aking tinahak patungo sa aming tahanan. madaming poste at puno din ang nabababoy dahil sa mga mukha ng pulitikong garapalan na talaga sa pangangampanya. nangibabaw sa kanila ang nakaka bugnot na pagmumukha ni chavit singson..hindi ko alam, pero talagang nababanas lang talaga ako sa pagmumukha nya lalo na kung magsasalita pa xa.
napag-alaman ko din na lumipat na pala talaga yung paradahan ng tryk punta sa amin. akala ko kasi dati ay pansamantala lang yun. medyo may progress na din ang ginagawang flyover dun sa my diversion road. patungo iyon sa batangas port. sobrang maalikabok.sana matapos na.







