isang paglilinaw...
oo malaki ang galit ko sa mundo at tama si nea,maxado na akong matanda para sa ganoong uri ng sentimyento...
ika-26 ng mayo nang likhain ko ang mensaheng ito..."haay...mahal ko na mga *** pipol...walang kaarte arte, ok kasama at hind borbor...buti na lang may mga ganun..."
siguro nga hindi ko maxado inisip ang magiging implikasyon ng maikling mensaheng iyon na pinakalat ko sa pamamagitan ng txt msg... wala sa aking intensyon ang siraan at maliitin ang ibang tao lalo na ang mga taga ***. ang totoo, sa pamamagitan sana ng mensaheng iyon, ninais kong itama ang aking pagkakamali...totoo din naman na madalas akong manghamak at mang uyam ng mga taong,sabihin na natin na hindi kapareho ng eskwelahang aking pinapasukan, at hindi lang yun, pati ang mga taong sa tingin ko ay kaya ko..."kaya" o cge sabihin na natin na mas "may alam ako"...tanggap ko ang kayabangan na iyon...at dahil dun, humihingi ako ng paumanhin..
"lahat tayo may kanya-kanyang pelikula sa ating utak na tayo ang bida."
--peque gallaga, pinoy blonde
cguro maxado lang talaga ang pagpapahalaga ko sa bida sa aking likhang pelikula na patuloy na namamahay sa aking isipan. marahil ito rin ang dahilan kaya't nalilimutan ko nang may iba pang tauhan. mga tauhan na kapag nawala ng tuluyan ay maaaring magdulot ng paghinto ng aking pelikula...ng aking likhang pelikula...
mabalik tayo sa mensaheng aking ipinadala ng sa pamamagitan ng txt msg...kasalukuyan akong nagttraining sa isang kolsenter... isang lugar na lantaran kong iniiwasan...alam yan ng aking mga kaibigan...aaminin ko, lumaki ang ulo ko lalo na noong nakapagtapos na ako ng kolehiyo at talagang isinumpa kong hindi ako tutungtong sa kolsenter upang magtrabaho...sa aking palagay, hindi angkop ang ganitong trabaho sa isang taong nakapagtapos ng apat na taon sa kolehiyo...naranasan ko na ang magtrabaho sa kolsenter, totoo malaki ang kita, ngunit hindi ito sapat upang punan ang kapagalan ng katawan at isipang dulot ng pakikipag usap sa mga nagdudunong dunungang kustomer...dito ko nakilala ang mga taong lalo kong hinangaan...pinatunayan nilang mali ang aking akala sa mga katuld nila...noong una, akala ko pareho kami ng taong ito, ito naman ay dahil sa pareho kaming pinag aaral ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang buwis...sa aspetong ito, marahil pareho nga kami, pero may nakita ako sa kanila na naisip ko sana meron din ako...ang kababaan ng kanilang loob...sana mabahaginan nila ako nun....
saludo ako sa mga taong nagagawang magtagal sa mga kolsenter...at kasama nito, ay ang aking panghihinayang lalo na kapag naririnig ko ang mga kwento nila tulad ng kanilang mga natapos na kurso sa kolehiyo...hindi ba't nakakapanlumong madinig na ang mga taong may digri sa marketing, nursing at engineering ay pinagsisiksikan ang kanilang mga sarili sa mga putang inang kolsenter? at pare pareho lang ang dahilan nila kung bakit kolsenter ang pinipili nilang hanapbuhay...dahil hindi sapat ang kinikita/kikitain nila kung sakaling papraktisin nila ang kanilang tinapos...nakakarelate ako...kayat lalo nang lumaki ang galit ko sa mundo...idagdag pa natin ang umuusbong na mga "pseudo elite" at "pseudo-intellectuals" sa isang kapaligirang tulad ng isang kolsenter...hindi ang kabihasahan sa paggamit ng isang wikang hiram ang sukatan ng kakayahan...oo nakakbilib naman talaga na maging bihasa sa isang bagay na hindi likas sa isang kultura... dito ako bilib sa mga Pilipino, madaling makibagay, sana hindi naman madaling makalimot...
...itutuloy...





0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home